Tuesday, October 13, 2015

Wag kang KJ!

Naisip mo na ba kung bakit tila kung ano pa yung mga bagay na kinahuhumalingan at gustong-gustong gawin ng maraming tao, yun pa ang tila palaging pinagi-initang ipagbawal ng Bibliya, ni pastor, o ng mga "konserbatibong Kristyano"?

Sino ba ang ayaw magkaroon ng maraming-maraming pera at magkaroon ng kakayahang bilhin ang anumang nais niyang bilhin? Sino ang ayaw magkaroon ng pangalan at sana'y mag-trending din sa twitter? Sino ba ang ayaw magkaroon ng maraming ka-tropa at magkaroon ng malawak na impluwensya at kapangyarihan? Sino ba ang ayaw sa kaligayahang idinudulot ng sex? Atbp.

Marami tayong gusto, at lahat ng yan ay bunga ng ating pagsusumikap na maging maligaya. Pero bakit ganun? Bakit parang halos lahat ng pinagkukunan natin ng kaligayahan, ipinagbabawal naman ni Lord? Wala bang karapatang lumigaya o maging masaya ang mga tao? Bakit napaka-KJ naman yata ni Lord? Ganun ba ka-self centered ang Panginoon na para bang napag-tripan lang niya tayong lahat na sundin siya sa lahat ng bagay na ipinagu-utos niya sa atin kahit labag sa ating kagustuhan?

Kapatid, kung isa ka sa mga may kinikimkim na ganitong uri ng sentimyento dyan sa puso mo, maniwala ka sakin: Hindi kill-joy si Lord. Ang totoo niyan, ikaw ang KJ---hindi si Lord. Paano ko nasabi? Simple lang: Ikaw ay KJ sapagkat ayaw mong kilalanin at luwalhatiin (i.e. itaas, dakilain, papurihan, parangalan) ang Diyos. O sa ibang salita: Hindi KJ ang Diyos dahil siya ay self-centered, kundi bagkus ikaw ang KJ dahil ayaw mong kilalanin ang pagiging self-centered ng Diyos.

Tama ang iyong nabasa. Ang Diyos ay self-centered. Napaka! Sa katunayan, ang pinaka-layunin ng lahat ng bagay na nilikha ng Diyos---ikaw, ako, at lahat ng nabubuhay, mga pangyayari, at hanggng sa kaliit-liitang mga alikabok sa sansinukob---ay nilikha para sa kaluwalhatian at kapurihan ng kanyang sariling kadakilaan. Sabi ni Pablo,
"Sapagkat ang lahat ng bagay ay nagmumula sa kanya, sa pamamagitan niya, at para sa kanya. Sa kanya ang lahat ng kaluwalhatian magpakailanman! Amen." (Rom. 11:36)
Ang pagiging self-centered ng Diyos (o ang kanyang matinding pagibig sa sarili niyang kapurihan at kaluwalhatian) ay alinsunod mismo sa sarili niyang katuwiran. Isipin mong mabuti: Kung ang Diyos ang pinaka-dakila sa lahat, sa tingin mo ba'y mananatili pa kaya siyang makatuwiran kung hindi niya itinataas ang sarili niyang kadakilaan nang higit sa lahat ng bagay? Syempre hindi. Hindi maaaring itanggi ng Diyos ang sarili niyang kadakilaan, samakatuwid nararapat lamang na siya'y maging self-centered!

Pero sa puntong ito siguro'y nais mong itanong sa'kin: "Ibig mo bang sabihi'y makasarili ang Diyos?"

Ang sagot ko'y depende sa pakahulugan mo sa salitang makasarili. Sa isang sentido, totoong makasarili ang Diyos, dahil ang pinaka-layunin ng lahat ng kanyang ginagawa ay para sa ikaluluwalhati ng sarili niyang pangalan. Sa gayong paraan, at gaya ng nabanggit na, hindi siya maaaring maging kontra - sarili; siya'y marapat lamang na maging maka - sarili. Hindi niya maaaring itanggi ang sarili niyang kadakilaan sapagkat hindi niya maaaring itanggi ang kanyang pagiging Diyos.

Ngunit ang Diyos ba ay makasarili sa sentido na wala siyang pake sa ikabubuti ng kanyang mga nilalang? Hindi gano'n ang ibig kong sabihin. Sa katunayan pa nga, ang nais kong patunayan ay ang katotohanan na ang pagiging maka-sarili ng Diyos ang siyang nagsisilbing tanging batayan ng kaniyang pagibig sa atin!

Pano nangyari yun?

Simple lang: Kung ang Diyos ang pinaka-dakila sa lahat, ano sa tingin mo ang pinaka-mahalagang kayamanan na maaari niyang ibigay para sa atin? Tama! Ang kanyang sarili mismo! At dahil ang Diyos mismo ang pinaka-dakilang Kayamanan sa lahat (na higit pa sa mga bagay na itinuturing na "kayamanan" ng sanlibutan), samakatuwid ay hindi labag sa kanyang pagibig sa atin ang kanyang masidhing hangarin na dakilain at itaas ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa atin! 

Iyan ang pinaka-dahilan kung bakit itilaga ng Diyos ang kanyang Anak na si Jesus bilang Tapagagligtas ng mga makasalanan; ito ay una't higit sa lahat para sa ikaluluwalhati ng kanyang pangalan (Jn. 12:27-28, 13:31-32, 17:1; cf. Isa. 43:25).

Kung gayon, maliwanag na hindi kill joy ang Diyos. Hindi kailanman ninais alisin ng Diyos ang likas na pagnanais nating maging maligaya. Sa katunayan, nais niya tayong maging maligaya at napatunayan niya yan nang kanyang tuparin ang kanyang hangarin na dakilain / luwalhatiin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagparito ng kanyang bugtong Anak. Ang pagiging maka-sarili ng Diyos ang siyang naging batayan ng ating tunay at walang hanggang kaligayahan!

Bilang pangwakas sa maikling blog na ito, nais kong bigyang-diin muli na hindi ang Diyos ang kill joy, kundi tayo mismo. Ayon kay Jesus, kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso (Mat. 6:21); at kung nasan ang iyong puso, naturamente doon ka rin humuhugot ng kaligayahan. Kung ang kayamanan mo ay ang mga bagay ng sanlibutang ito, sa sanlibutan ka rin huhugot ng kaligayayan (Eph. 2:1-3), at tiyak na magiging kill joy talaga si Lord para sa'yo (Jn. 5:44). Maaaring inaakala mo'y maligaya ka sa mga bagay na pinapahalagahan mo sa daigdig, ngunit ang totoo'y inilalayo mo ang iyong sarili mula doon sa tanging makapagbibigay sayo ng tunay na kaligayahan. At habang nananatili kang bulag hinggil sa kagandahan ng Diyos kay Cristo Jesus (2 Cor. 4:4), ika'y magiging katulad ng isang batang paslit na ayaw tumigil sa paglalaro ng buhangin sa park at ayaw sumama sa kanyang mga magulang patungo sa Enchanted Kingdom sapagkat wala siyang ideya kung gaano ka-"mas dakila" ang Enchanted Kingdom kumpara sa kinahuhumalingan niyang buhangin.

Kapatid, wag kang KJ.

-Jeph


Wednesday, July 15, 2015

Pastor Ka [Nga] Ba?

Ikaw ba ay tinawag ng Panginoon o ng Salapi?


Paedo, Credo, Premil, Postmil, Amil, Sabbatarianism/Non-sabbatarianism, Presby, Congre, Supra, Infra, etc.

Magkakaiba man po tayo ng katuruang sinasang-ayunan, Nawa'y wala ni isa sa atin ang nasilaw sa maling katuruan ng Prosperity Gospel in any way. Kung talagang ikaw ay tinawag na maging pastor sa denominasyon na iyong pinanggalingan, wag mo isipin na ang pag-aaral sa seminaryo ay aksaya lamang ng oras at na nakahihigit sayo ang mga may degree sa kolehiyo. Ito ay paghahanda sa malaking gampanin mo sa kung anomang pagtawag sa iyo ng Panginoon. Marangal na bokasyon ito na inatas sa sinomang tinawag upang alagaan ang Kanyang tupa sa kung saan ka tatawagin. Kapareho ito ng secular na bokasyon na kung saan ay kahit ang naggagatas ng baka ay makapagbibigay luwalhati sa Dios (sabi nga ni Luther). Hindi ka man nakapagtapos sa kolehiyo at dumiretso sa pagpapastor o hindi man accredited ng CHED ang seminaryong pinasukan mo, ang mahalaga ay ang naging pagtawag sa iyo ng Dios. Nauunawaan ko na may mga iglesia na hindi kayang suportahan ang kanilang ministro sa pangangailangang pinansyal nito at nakakapagpalakas talaga ng pananampalatayang malaman ang kanilang sakripisyo (bi-vocational) pero hindi ito nangangahulugan ng mas higit na pagtawag kesa sa pastor na ang buong oras ay nasa kanyang mga tupa (full-time). Hindi rin ibig sabihin na kung hindi ka tumatanggap ng honorarium sa iyong iglesia ay mas banal at mas tama ka na pastor kesa sa mga tinutulungan ang kanilang pastor sa mga pangangailangang pinansyal nito. Totoong may mga pastor na hindi na nag-seminaryo at nagbasa lang ng libro o dahil parating kasama ang kanyang pastor, nagkaroon sya ng training na parang sa seminaryo, subalit hindi ito pangkalahatan. Hindi lahat ganito ang karanasan.

Security ba ang hanap mo?
Ang pagpapastor ay hindi pagpapalago ng buhay pinansyal. Kung mayroon kang kilala na pumasok ng seminaryo sa pagnanasang magkakaroon ng malaking kita sa papasukan nilang Iglesia, tingin ko para sa inyo ang kanyang sinabi (Miyembro ka pala dapat ng group para mabasa mo) pero hindi para maging bi-vocational pastor. Wag na lang. Magtapos ka na lang ng kurso sa kolehiyo na maaari kang tulungang makapasok sa kumpanya o magtayo ng negosyong kikita ka ng malaki.



Nawa'y wala ni isa sa atin ang nasilaw sa maling katuruan ng Prosperity Gospel - Jerboy Magalang


Aray ko po.

Ang pagpapastor ay hindi para sa pagpapataba ng tyan, ito ay para sa mga tupa.

Mga karagdagang babasahin:

God At Work: Your Christian Vocation in All of Life
Got Questions dot org articles

(About Jerboy)

Saturday, April 25, 2015

That Was Tough

The uncompromising message of Pastor John MacArthur against same-sex marriage

Image courtesy of Youtube.com


I have a disclaimer Before I begin: The image above maybe different from when he had said the message that I’d be referring to. So if you’re going to ask me for a specific Youtube link, you may excuse me for not having a single clip to give. Moreover, I do not own the image nor will use it for profit.

It’s been a month already when the news came out. A mainline pro (ugh!)-, a mainline pro (welp!), a mainline protestant denomination (notice how I intentionally refrained myself from adding “Christian” between “protestant” and “denomination”) approved of “Adam and Steve’s” union to further severe its ties with today’s Evangelicalism. While it’s devastating enough to know that they have totally departed from the historic and Biblical Christian view of marriage, it’s also another way of rejoicing over the fact that not everyone within the fellowship agrees with it.

We’re leaving. Bye.

Not everyone is Christian. It’s as true as saying that not everyone who profess with their tongue that He is Lord will enter the Kingdom of God. They have fallen away and we can only pray that the Lord is not done yet with the people there who are yet to be redeemed.

While the issue is starting to wane in social media (at least to where I’m currently at), there are still notions (out of ignorance probably) that this Presbyterian denomination had done it because they’re Calvinists. Ah! They’re Calvinists, you say? Just because they’re “Presbyterians”? Come on! I invite you to study and read more to avoid fallacy.

I have always loved good ecumenical relationships. When I say “good”, I mean to say real and Biblical, and when I say “ecumenical”, I mean to say that of a coalition without compromising key doctrines and not another. One of which, would be the setting aside of usual and never-ending debates on certain issues pertaining to this, this and this, and rather focusing on the things that tend to question our identity and distinction from other denominations.

I have always loved good ecumenical relationships.-Jerboy Magalang
Recently, I posted an article on Facebook about John MacArthur’s critical reaction to seminaries and denominations teaching a new perspective on marriage. Forget the debates on baptism, eschatology and many others as of the moment and just read the very words of his with regard to the issue:

They have no allegiance to the Bible, … You go back to every one of those seminaries … for a century [they] have been deniers of biblical authority, they have no relationship to scripture, they are the apostate church, they are Satan’s church.” — Pastor John MacArthur
(Read the rest of the article by clicking here.)

Whew. That‘s just it! Pastor John MacArthur putting a nail in the coffin even before it’s finalized. Finally, this is what I believe every professing believer should say about the issue.

There’s but one.


(About Jerboy)
Not everyone is Christian.-Jerboy Magalang

This article originally appeared on @sentirem; Jerboy Magalang's blog. Republished with permission from the author and by the grace of co-authors.

Monday, April 13, 2015

“Daniel saw it… then Mark!” (On Jesus as The Son of Man)




Need more power!!!


Ever wonder where Jesus had said in the Bible that He’s God? Have you ever asked yourself if He was truly Divine? Maybe He’s just man. Maybe He’s more than just a man but no Divine. Maybe it would be easier to just open a jar than to think about this “mystery” as some would say. Maybe. Just maybe.


You may notice that while I am trying to begin an introductory to this article, I’m very much sure that He is Divine (Notice how I often capitalize “H” when I pertain to Him). Anyway, here are the two verses to show you one from Old and one from New proving that He is who He is:
In the Old Testament, we find the following verses in Daniel 7:13–14:
13 “In my vision at night I looked, and there before me was one like a son of man, coming with the clouds of heaven. He approached the Ancient of Days and was led into his presence. 14 He was given authority, glory and sovereign power; all nations and peoples of every language worshiped him. His dominion is an everlasting dominion that will not pass away, and his kingdom is one that will never be destroyed.
In the New Testament, we can see in Mark 14:61–62 that it was Jesus who claimed to be The Son of Man:
61 But He kept silent and did not answer. Again the high priest was questioning Him, and saying to Him, “Are You the Christ, the Son of the Blessed One?” 62 And Jesus said, “I am; and you shall see THE SON OF MAN SITTING AT THE RIGHT HAND OF POWER, and COMING WITH THE CLOUDS OF HEAVEN.”
Why was He called the Son of Man? In the Jewish context the title, Son of God was nothing but a mere human title. For them, to be called, Son of Man was something Divine. This was proven to have been the case when the high priest (who are very much the experts and/or “Ph.Ds” of the Old Testament Revelations) tore their clothes and exclaimed;
“Why do we need any more witnesses?” he asked. 64 “You have heard the blasphemy. What do you think?” with “all condemning Him as worth of death.”
We can see how Jesus caused the high priests to tear their clothes and shout blasphemy after He had claimed to be The Son of Man. Surely, this was not the right thing to say at the time especially if He’s claiming that He’s but man. But He’s not. He is God.

“I thought you’re gonna fly, balloon?” Liar.
And in fact, to deny that Jesus is no God is blasphemous enough, making us liars as stated by the Apostle John in 1 John 2:22, saying:
“Who is the liar? It is whoever denies that Jesus is the Christ. Such a person is the antichrist — denying the Father and the Son.”
If you’re planning to pick a fight on the matter, may I ask you to hold your horses as these two verses are not the only ones proving such to be true. In fact, there are lots of verses that I can refer to than what I can actually write about His Divinity.


Maybe I can just cherry-pick a verse that says it otherwise.
What’s your pick?

This article originally appeared on @sentirem; Jerboy Magalang's blog. Republished with permission from the author and by the grace of co-authors.

Monday, March 30, 2015

The Savior that Saves

Though all professing Christians—regardless of religious affiliation—would readily confess Jesus Christ as their Savior, what most of them really have in mind when they say that is that Christ has done certain things to open the gates of heaven for us sinners (like dying on the cross for the forgiveness of our sins) but the rest is still up to us. This idea is very prominent among the cults of Christianity; e.g. Roman Catholicism, Iglesia ni Cristo (1914), Ang Dating Daan, and many others, each of which has its own version of a redeemer that attempts to save sinners only half-way through the process (if not most of it) then it's all up to the individual sinner to complete his own salvation—either by joining a religious organization, or by dedicating one's full allegiance and loyalty to a self-proclaimed apostle or prophet, or by doing good works, or a combination of all such things and what not.

Sadly, the idea of a halfway accomplished redemption (a heresy, by the way, since it is a blatant denial of Solus Cristus) is rampant among so many evangelical churches, too. God respects our freedom because He is a gentleman and would never save us apart from our willing cooperation; so goes the argument. God is viewed as merely attempting to save sinners by eliciting their cooperation (their final 'Yes') but actually powerless to make their Salvation a reality since He is supposed to "respect" their so-called freewill. Here we have God making good plans for man but it is man's freewill that prevails. Quite the contrary is what we find in Proverbs 19:21 NIV which says:
"Many are the plans in a person’s heart,
but it is the Lord’s purpose that prevails.
"
We possess no freedom of any sort to which the sovereign will of God is bound to concede. God rules over all things (Dan. 4:35). He is the Potter and we are the lump of dirty fallen clay at His disposal (Isa. 68:4; Rom. 9:18-23).  The course of our actions, therefore, does not determine the will of God, but it is the other way around. For "who," asks Paul, "has first given to Him that it might be paid back to him again? For from Him and through Him and to Him are all things. To Him be the glory forever. Amen" (Rom. 11:35-36 NASB). 

The truth is, God does not respect our moral freedom because we don't have such freedom in the first place! For "Very truly I tell you," Jesus told the unbelieving Jesus, "everyone who sins is a slave to sin" (Jn. 8:34 NIV; see also Rom. 6:20 & 2 Pe. 2:19). If we have any freedom of our own apart from the liberty that comes from Christ (Jn. 8:36), it is but a freedom only from righteousness (Rom. 6:20 KJV). We are void of all righteousness and our minds are hostile to God (Rom. 8:7-8).  Without the quickening power of the Spirit, we would never "accept the things of the Spirit of God, for they are folly to [us], and [we are] not able to understand them because they are spiritually discerned" (1 Cor. 2:14). We are all "dead in the trespasses and sins" and "by nature children of wrath, even as the rest" (Eph. 2:1-3). Salvation, therefore, cannot be up to us in any way. It's rather all up to Him who says, "I will have mercy on whom I have mercy, and I will have compassion on whom I have compassion" (Rom. 9:15; cf. Exo. 33:19). 

A low view of Sin necessitates a low view of the gospel, and a low view of Christ's redemptive work, and many evangelicals have completely lost sight of how amazing God's grace is due to their shallow understanding of Sin and depravity. They have arrived to an erroneous view of our moral condition based on the presuppositions of various humanistic philosophies which aim to elevate the dignity of human beings beyond and contrary to what the Scripture actually describes us to be—that is, creatures that are fallen, totally depraved, and absolutely in need of a Savior that does not merely render salvation possible, but actually saves certain people to the uttermost by an atonement so powerful and sufficient that even the gift of conversion, together with all other graces necessary toward our final glorification, is guaranteed by it (Rom. 8:32-39, Eph. 1:3, 2:13; Heb. 7:25, 9:12, 12:2).

In this coming Holy Week, we will be commemorating the passion of our Lord and Savior Jesus Christ. And as we contemplate on the things that had transpired toward the climax of his redemptive mission here on earth 2000 years ago, always keep in mind that "it is finished" already (Jn. 19:30).  No merit of your own and no works done by your sinful hands would add up to what Christ has already accomplished for the Salvation of those who would put their trust in Him (Rom. 3:23-25).

- Jeph

Sunday, March 29, 2015

Calvinism? Ano yun!?

Sa tuwing napaguusapan o nababanggit ang "Calvinism" sa facebook group na BORN AGAIN CHRISTIANS, marami ang napapakamot ng ulo at napapatanong: Ano ba ang Calvinism? Sekta ba yan? Kulto ba yan? Ano ba ang tinuturo ng Calvinism na pinaniniwalaan ng mga Calvinists?

Kung isa ka sa mga nagnanais magkaroon ng kaalaman tungkol sa Calvinism, nasa tamang lugar ka ngayon sapagkat isang Calvinist ang nagsusulat nitong artikulong ito. Hayaan mong tulungan kitang naunawaan ang mga basic tenets (o payak na paniniwala) ng mga Calvinists na katulad ko, at kung ano-ano ang mga maling-akala na karaniwang ibinabato laban sa aming pinaniniwalaan.

Ang sekta ng Calvinism

Eeeengk! Mali. Hindi po sekta (o relihiyon) ang Calvinism. Ito ay isang "school of thought" lamang na naglalayong ipaliwanag ang kaugnayan ng pagiging soberenya (sovereignty) ng Diyos sa ating kaligtasan. Bagamat may mga sekta na lubusang niyayakap ang mga prinsipyo ng Calvinism, may mga Calvinists na myembro rin sa ibat-ibang denominasyon. Ikaw nga mismo eh, maaaring Calvinist ka; hindi mo lang alam.

Sino ang may pakana?

Ang salitang "Calvinism" ay hango sa pangalan ng isang repormistang Pranses na si John Calvin noong ika-17 siglo. Gayunpaman, hindi po si John Calvin ang may pakana ng Calvinism. Ipinangalan lamang ito kay Calvin sapagkat siya ang pinaka-prominenteng theologian na nagtanggol sa mga prinsipyo nito. Ang totoo nyan, bago pa naging tao si Calvin ay marami nauna sa kasaysayan ng Kristyanismo ang nanindigan para sa mga payak na prinsipyong nakapaloob sa Calvinism; gaya nina St. Augustine of Hippo (354 - 430), St. Prosper of Aquitaine (390 - 455), St. Fulgentius of Ruspe (462 - 527), St. Bernard of Clairvaux (1090 - 1153), Gottschalk of Orbais (808 - 867), St. Thomas Aquinas (1225 - 1274), John Wycliffe (1320 - 1384), at iba pa.

Pero teka lang! Bago mo isipin na hango lamang ang Calvinism sa pilosopiya ng mga taong nabanggit, alalahanin din natin na silang lahat ay nanindigan na ang kanilang mga aral ay batay mismo sa banal na Kasulatan (makikita natin yan sa ilang saglit lang). Samakatuwid, ang Calvinism ay hindi pakana ni John Calvin o pakana ng sinumang tao. Ito ay hango sa Salita ng Diyos.

Anong pinaglalaban ng Calvinism?

Simple lang naman ang pinaglalaban ng Calvinism. Ito ay ang katotohanan na ang kabuuan (100%) ng ating pagkaligtas---mula simula hanggang katapusan---ay nakasalalay lamang sa kapangyarihan at biyaya ng Diyos upang walang maipagmapuri ang sinuman. Ito ang pinaka-premis ng buong sistema ng Calvinism, at ibinuod pa ito ni San Pablo sa 1 Cor. 4:7,
"Sapagka't sino ang gumawa na ikaw ay matangi? at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap? nguni't kung tinanggap mo, ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap?" (TAB)
Ang pagmamapuri (o pagiging mayabang) ay nag-uugat sa maling akala na mayroon kang taglay na anumang mabuting bagay na hindi galing sa Diyos. Yan ang naging problema ng mga mananampalataya sa Corinto na sinulatan ng apostol. Nagkabaha-bahagi sila dahil inakala nilang utang na loob nila sa mga mangangaral (ng ebanghelyo) ang kanilang pananalig; ang iba ay nagtayo ng fans-club para kay Pablo, ang iba naman ay para kay Apollos, at ang iba ay kay Cefas, etc (1 Cor. 1:12, 3:4-5). Dahil dyan, ipinakita sa kanila ng apostol (mula kabanata 1 hanggang 3) na ang mismong pananalig nila ay kaloob (regalo) na galing sa Diyos at hindi galing sa ibang tao o sa mga sarili nila kaya dapat na nilang itigil ang pakikipag-pataasan ng ere (1 Cor. 1:30-31, 2:4-5, 12-14, 3:6-9).

Maraming Cristiano ngayon ang may parehong maling akala gaya ng sa mga taga-Corinto. Inaakala nilang inalok lamang sa kanila ng Diyos ang kaligtasan ngunit ang mismong pagtanggap nila ay nakasalalay na sa sarili nilang pasiya. Kung tama ang ideyang ito, lalabas na ang sarili nating merito (i.e. merito ng pagtanggap kay Cristo) ang siyang  nagtangi sa atin tungo sa kaligtasan, at kung gayon nga ay hindi na ito maaaring ituring na "ayon sa biyaya" (Rom. 11:6).

"Ngunit ngayon, Oh Panginoon, ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, at ikaw ay magpapalyok namin; at kaming lahat ay gawa ng iyong mga kamay." (Isa. 64:8)
Totoong ang pananalig natin ang siyang naghihiwalay sa atin mula sa mga taong napapahamak, ngunit ang pananalig bang ito'y bunga lamang ng ating sariling desisyon? o ipinagkaloob lamang din sa atin ng Diyos? Kung ito'y galing lamang sa ating mga sarili, mayroon nga tayong maipagmamapuri - at mali ang Calvinism. Ngunit"sino," tanong ni San Pablo, "ang gumagawa na ikaw ay matangi?" Obyusli, ang sagot sa katanungang yan ay walang iba kundi ang Dios. Ayon nga kay Jesus: "Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at walang nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at sinumang piliin ng Anak na pagpahayagan niya. " (Mat. 11:27, MBB); at minsan pa, "walang taong makalalapit sa akin, maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama" (Jn. 6:65, TAB). Sumatotal, tayo ay natangi dahil sa ating pananalig kay Cristo---hindi lamang dahil sa sarili nating pasya---kundi unang-una sa lahat ay dahil ipinagkaloob ito sa atin ng Diyos na siyang unang pumili sa atin (Ac. 13:48) at kumilos sa puso natin (Ac, 16:14). Kung gayon, kaya wala talaga tayong dapat ipagmapuri at sa Diyos lamang nauukol ang lahat ng kapurihan! Sabi nga ni San Pablo, "at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap? nguni't kung tinanggap mo, ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap?" (1 Cor. 4:7b-c).

Marahil ay iniisip mo kung bakit kailangan pang ipagkaloob ng Diyos sa tao ang pagtalima kay Cristo. Hindi ba't binigyan tayo ng Panginoon ng "freewill"? Wala ba tayong sapat na kakayahang magpasya na lumapit at sumunod sa ebanghelyo?

Ang Alamat ng Freewill

Ang karaniwang depinisyon ng maraming tao sa salitang "freewill" ay ang pagkakaroon ng kakayahang pumili o magpasya, kung saan ang kalooban ng isang tao ay hindi nakakiling (o hindi "inclined" / "bias") sa anumang direksyon sa pagitan ng mabuti o masama. Ngunit may ganitong uri nga ba ng kalayaan ang tao bilang makasalanan? Ang sagot ng Calvinism ay wala.

Kaya nga tayo tinatawag na "makasalanan" eh. Hindi lamang tayo tinatawag na "nagkasala" na para bang aksidente lamang ang ating mga nagagawang kasalanan, bagkus tayo'y maka - salanan. Mayroon tayong inklinasyon o pagkiling tungo sa paggawa ng Kasalanan. At hindi lamang ito basta inklinasyon o pagkiling, kundi ito mismo ang katutubo (o likas) na disposisyon ng ating buong pagkatao.

Ayon kay apostol Pablo:
"Kayo noo'y mga patay sa inyong mga  pagsalangsang at mga kasalanan, na dati ninyong nilakaran, ayon sa lakad ng sanlibutang ito, ayon sa pinuno ng kapangyarihan ng himpapawid, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway. Tayong lahat ay dating nabuhay sa gitna ng mga ito, sa mga pagnanasa ng laman, na ating ginagawa ang mga nais ng laman at ng pag-iisip, at tayo noo'y katutubong mga anak ng kapootan, gaya naman ng mga iba." (Eph. 2:1-3, ABAB)
"Sapagkat nang kayo ay mga alipin pa ng kasalanan,
kayo'y malalaya tungkol sa pagiging matuwid."
(Rom. 6:20) 
Samakatuwid, maliwanag na hindi lamang tayo makasalanan sapagkat tayo'y nagkakasala, bagkus tayo'y nagkakasala sapagkat tayo'y likas na makasalanan (o alipin ng Kasalanan). Dahil sa Kasalanan ng unang tao (Rom. 5:12) tayong lahat ay naging patay sa ating mga espirituwal na kalagayan at napa-alipin sa kalooban ni Satanas (2 Tim. 2:26) at samakatuwid ay walang likas na kagustuhan o inklinasyon na tumalima sa Diyos malibang unang kumilos ang Diyos sa puso natin (tingnan ang mga sumusunod na talata: Eze. 36:26; Ac. 16:14, cf. Mat. 13:11-16, Jn. 6:44, 65, Rom. 3:9-12, 8:7-8, 1 Cor. 2:14, 2 Cor. 4:4-5, Eph. 2:1-3, 2 Tim. 2:25-26).

Dito natin makikita na sa magkaibang sentido, tayo'y malaya ngunit alipin. Malaya nating sinusunod ang anumang nais o hangarin ng ating mga puso. Gayunpaman, ang ating mga puso ay alipin ng anumang bagay na pinagkukunan nito ng kaligayahan: "Sapagkat kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din naman ang iyong puso" (Mat. 6:21, ABAB). Habang tayo'y bulag patungkol sa kagandahan at kaluwalhatian ni Cristo (na kung tutuusin ay siyang pinaka-mahalagang Kayamanan sa lahat), mas nanaisin pa ng ating mga puso magpakalunod sa mga "kayamanan" na ipinapangako ng mga tukso. Kung gayon, ang tanging paraan para mabasag ang sumpang ito ay walang iba kundi ang pagkilos ng makapangyarihang Espiritu ng Diyos sa puso ng isang makasalanan nang sa gayon ay makita niya ang walang kapares na kagandahan ng ebanghelyo na magdudulot ng malayang pagtalima kay Cristo (Eze. 36:26-27).

Sa madaling salita, itinuturo ng Calvinism na kung mayroon mang tumatalima (at walang pagtatalo na tayo nga ay tumalima kay Cristo ayon sa sarili nating pasya - Mat. 11:28), ang kapurihan ay ukol lamang sa Diyos na siyang unang pumili sa atin upang tayo'y pagkalooban ng kalayaan, kakayahan, espirituwal na pangunawa, at positibong inklinasyon at pagnanasa na lumapit kay Cristo tungo sa lubos na kaligtasan (Psa. 65:4, Mat. 11:27, Eph. 1:3-5, 11). Sa bandang huli, ang Panginoon ang siyang tanging may-akda at siyang tagapagpaging-ganap ng ating pananalig (Heb. 12:2). Siya ang ating soberenyang Tagapagligtas na nagliligtas ng lubusan mula simula hanggang katapusan (Rom. 8:30) upang walang maipagmapuri ang sinuman. Yan ang puso ng Calvinism.

Baka Calvinist ka rin!

Oo, maaaring Calvinist ka rin pero di mo lang pala alam. Paano mo malalaman? Simple lang. Tanungin mo ang iyong sarili:
  1. Naniniwala ka bang wala kang magagawang anumang mabuti na kalugod-lugod sa Diyos malibang unang kumilos ang Diyos sa puso mo? (Jn. 15:5; Rom. 8:7-8)
  2. Nananalangin ka ba para sa kaligtasan ng iyong mga mahal sa buhay? (cf. Rom. 10:1)
  3. Ipinapanalangin mo ba na nawa'y kumilos ang Diyos sa puso nila upang kanilang tanggapin si Cristo? (cf. Eze. 36:26, Ac. 16:14)
  4. Ipinagpapasalamat mo ba sa Diyos ang sarili mong pagkakaligtas at ang pagkakilala mo sa kaniya? (cf. Mat. 11:27, 13:11, Jn. 6:44, 65; Php. 1:29)
  5. Nagtitiwala ka ba na tiyak na tatapusin ng Diyos ang pagliligtas na sinimulan niya sayo, at iingatan ka niya sa pananalig hanggang wakas? (cf. Jn. 10:27-29, Rom. 8:29-39, Php. 1:6)
  6. Naniniwala ka bang ang lahat ng biyayang tinatamasa mo ngayon (na may kinalaman sa iyong kaligtasan), maging ang iyong pananalig, ay pawang kaloob na galing sa Diyos na binili ni Cristo ng kanyang dugo? (cf. Rom. 8:32, Eph. 2:13)
Kung Oo ang sagot mo sa mga katanungang ito, malamang ay isa ka ring Calvinista.

-Jeph